Saturday, March 4, 2017

Ang Nordette ay isa sa contraceptive pill na ginagamit din as ECP (Emergency Contraceptive Pill). Based on my experience effective ito. Ginagamit ito as emergency pill lalong lalo na kung nagfail ang ginamit mong contraceptive pill like nabutas ang condom. PAALALA: hindi ito pwede gamitin kung already pregnant ka na, hindi nito mapipigilan ang pregnancy. Mapipigilan lang ito kung nagtake ka as soon as possible. 
Effective daw ito if taken within 72 hours after sex. Ang procedure ng pagtake after sex kung nasira ang condom, magtake ka ng 4 pills and then after 12 hours take uli ng another 4 pills. so 8 lahat. yan lang ang itatake mo. itabi mo na ung the rest na natira.

Eto na ang experience using Nordette as ECP. Last January 29, 2017 nagintercourse kami ng husband ko, may condom pero after the deed napansin namin nabutas. todo panic kami kasi wala pa naman sa plano namin na magbaby uli. that time sunday yun at wala kami makausap na OB Gyne. nagresearch kami sa net kung ano ang pwede gawin sa ganyang case. nabasa ko nga yung about sa Nordette. ayun after the deed nagpunta kami agad sa Mercury Drug sinubukan ko kung meron mabibiling Nordette, ayun buti na lang meron pa. 21 day pill siya pero ang need mo lang is 8 pills para gamitin as ECP.

After ilan hours ng pagtake ng Nordette, nakaramdam ako ng Nausea, masakit ang puson mas lalo lumala nun after ko pagtake ng last 4 pills. tiniis ko lahat ng side effects. After 2 days ng pagtake niyan, napansin ko nagkaron ako ng mga pasa (bruises) sa paa, sign na magkakaron na ko. According sa mga nabasa ko magkakaron daw ng withdrawal bleeding after 6-14 days. after 6 days ayun nga may lumabas sakin, almost 3 days lang ang tinagal at medyo light red at brown. so nagpanic ako na baka implantation bleeding na to (senyales ng early pregnancy)

Ilan days ako nagiisip kung ano ba mangyayari. eto nga napadaan ako sa Watsons at meron ako nakita na pregnancy test na makakadetect na ng pregnancy test after 10 days of intercourse. Ayun nga exactly after 10 days, nagPT ako at negative. Di pa nagtatapos ang pagiging paranoid ko ng time na yan. halos araw araw nag pregnancy test ako at puro negative.

Then dumating ang March 2 may lumabas na dugo sakin at mukang malakas na and super bright red na. Ayun dumating na ang period ko. Best period ever! :D hay after ilan days na pagiisip nakahinga na ko ng maluwag :) Super effective talaga ng Nordette. (First time ko lang ginamit as ECP to and sana wag na maulit ung nangyari sakin kasi sobrang hirap tiisin ng side effects)

PAALALA: Wag gawin lagi yan kasi makakasama ang pills sa katawan. lahat naman pag nasobrahan ay masama. ginagamit lang siya as ECP at di pwede abusuhin. Yun lang goodluck.

If you have any questions just ask me here and sasagutin ko lahat ng tanong niyo sa abot ng aking makakaya. Yan ang promise ko pag nakalusot ako at di ako na pregnant, magsshare ako ng experience ko :) Thank you for reading my blog! :)